Panibagong shipment ng mahigit sa 3.3 million COVID-19 vaccine doses ang tinanggap ng Pilipinas mula sa donasyon ng Estados Unidos at bansang France na idinaan sa pamamagitan ng United Nations at WHO COVAX vaccine-sharing program.
Lumapag kaninang pasado alas-6:00 ng umaga ang Emirates flight EK334 sa Ninoy Aquino International Airport.
Kabuuang 1,623,960 doses ng Pfizer brand mula sa Amerika ang dumating habang nasa 1,697,000 shots naman ng AstraZeneca na nanggaling sa France.
Kahapon din ang gobyerno ng Amerika ay nagpadala rin ng 1.7 million vaccine shots para makompleto ang donasyon na 3.4 million jabs.
Sa ngayon umaabot na sa 190 million na mga bakuna ang natanggap ng Pilipinas.
“The United States extends our heartfelt sympathies to those affected by Typhoon Odette. We are supporting ongoing Philippine response efforts and exploring ways to further assist communities in need. We also remain committed to partnering with the Philippines to protect Filipinos from COVID-19,” CDA Variava said.