Naitala ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo, ang nasa 3,628,500 katao na nasa 3,000 barangay na apektado ng pinagsamang Habagat at nagdaang Bagyong Carina at Butchoy.
Batay sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, karamihan sa mga apektadong residente ay galing sa Central Luzon, kung saan naapektuhan ng bagyo ang 2,134, 938 katao. Sinundan ito ng Bangsamoro na may 552, 971 apektadong indibidwal, sumunod ang Soccsksarfen na may 260,767 at sa Ilocos Region na may 242,648 apektadong indibidwal.
Sa kasalukuyan mayroong nasa 168, 933 na indibidwal o 42,673 pamilya ang nananatili sa 1,025 evacuation centers, habang nasa 900,421 indibidwal o 217,398 pamilua naman ang nakikitira muna sa kani-kanilang mga kamag-anak o sa ibang lugar.
Samantala, naitala naman ng NDRRMC na nasa 28 ang casualties, 10 dito ang kumpirmado nasawi habang nasa 18 naman ang hanggang ngayon ay kinukumpirma pa.
Gayunpaman, una nang iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nitong biyernes, nakapagtala sila ng nasa 34 katao na nasawi.