-- Advertisements --
Kinasuhan na ng obstruction of justice ang tatlong nagpakilalang abugado ng Times Bar sa Makati City.
Nakilala ang tatlong abugado na sina Atty. Lenie Rocel Elmido Rocha, Atty. Jan Vincet Sambrano Soliven at Atty. Romulo Bernard Bustamante Alarcon.
Inaresto ang tatlo habang ipinapatupad ang search warrant sa Times Bar kahapon na pinangunahan nina NCRPO chief, P/Dir. Guillermo Eleazar at Southern Police District director, C/Supt. Tomas Apolinario.
Habang isinisilbi kasi ang search warrant, ginagawa ng tatlong abugado ang paninindak sa mga pulis.
Hindi naman sinabi ng tatlo kung sino ang kanilang kliyente na nirerepresenta.