-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang tatlong airline companies na mag-aabot ng libreng sakay sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East na magpapa-repatriate dahil sa nakaambang giyera.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio na boluntaryong magbibigay ng asistensya ang Cebu Pacific, Philippine Airline at AirAsia.

Ayon kay Apolonio, may regular flight sa mga bansa sa Middle East ang tatlong kompanya na magpapasakay ng libre sa mga OFWs na uuwi sa Pilipinas dahil sa tensyon ng Amerika at Iran.

Nakipag-ugnayan na raw ang mga kumpanya sa mga opisyal ng pamahalaan para sa naturang hakbang at naghihintay na lamang ng direktiba.

Batay sa anunsyo ng airline companies, magiging prayoridad nila ang pagpapasakay sa mga Pinoy workers na uuwi dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.