Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang 3 aktibong police na sangkot sa pagnanakaw sa isang negosyante sa Balagtas, Bulacan.
Sa isang ambush interview kanina sa kampo crame, inihayag ni Col. Jean Fajardo, spokesperson ng PNP, na pitong pulis ang tintingnan nilang suspek sa krimen at kasalukuyanmg pinaghahanap na ngayon ang apat na hindi pa nakikilala.
Sa ngayon inaantay pa umano ang resolution na ilalabas ng prosecutor’s office dahil nakasumite na sila ng complaint at pinag-aaralan kung sapat na ang ebidensya.
Una nang iniulat na kuha sa cctv footage sa labas ng bahay ng biktima ang mga suspek na papalabas at may bitbbit na kahon na may laman umanong P30- M cash na kinuha sa 2 bahay ng negosyante.
Isa pang pinag-aaralan ngayon ng PNP ay ang kung paano ito nagka-grupo grupo dahil sa iba-ibang unit umano nakadestino ang mga naturang pulis.
Maliban pa rito, napag-alaman din na ang isa sa tatlong naarestong pulis ay kakilala ng negosyante kaya naman posible na ito ang ulo sa pagnanakaw.
Ikinalulungkot naman umano ng naturang ahensya ang paulit ulit nilang paalala sa mga kapulisan na magbago at mahalin ang kanilang serbisyo.
Ayon kay Fajardo, tinitiyak nilang mananagot ang sinuman sa kanilang hanay na mapag-aalamang sangkot sa katiwalian o anu mang krimen.