-- Advertisements --
Pinalaya ng China ang tatlong Americans na nakakulong ng ilang taon dahil sa isinagawang prisoners Swap.
Ayon sa US Natioanl Security Council, na mapapalaya na sina Mark Swidan, Kai Li at John Leung mula sa pagkakakulong sa China.
Hindi na nila binanggit pa kung sino ang mga Chinese prisoners na kapalit ng nasabing mga Americans na napalaya.
Dahil na rin dito ay binabaan na ng US ang kanilang travel advisory sa Level 2 na nagbababala sa mga mamamayan nila na mag-ingat pa rin sa pagtungo sa China.
Ang mga ito ay itinuturing na wrongfully detain ng China.