-- Advertisements --

Posibleng hanggang tatlong ang mapuruhan sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) for sale at maraming pang mapatawan ng ibang parusa sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires sa pagharap niya sa budget hearing ng Senado ngayong araw.

Ayon kay Martires, sinisikap nilang makaharap ng matibay na mga ebidensya sa binabalangkas na kaso.

Nauna nang sinuspinde ng anti-graft body ang nasa 30 BuCor personnel para maiwasan na maimpluwensyahan ng mga ito ang lahat ng imbestigasyon at trabaho sa national penitentiary.