Tatlong anggulo ang iniimbestigahan ngayon ng PNP kaugnay sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo sa Nueva Ecija.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde na posibleng away sa lupa, ang pagtulong ng pari sa biktima ng pangmomolestya, at alitan sa relihiyon, ang tinitignan nilang motibo sa pagpatay sa pari.
Inatasan din ni PNP chief ang Special Investigation Task Group na nagsasagawa ng imbestigasyon na hulihin “as soon as possible†ang mga suspek sa naganap na pagpatay.
Dagdag pa ni Albayalde, tila may pattern daw sa paggamit ng hired killers sa mga nakalipas na kaso ng pagpatay ng pari.
Una nang sinabi ng opisyal na may artist sketch na ng mga suspek at tinatrabaho na ang paghuli sa mga ito.
Samantala, personal na ipinaabot ni PNP chief ang kaniyang pakikiramay kay Bishop Sofronio Bancud, Diocese ng Neuva Ecija nang makipagpulong ito sa obispo at iba pang pari.
Tiniyak ni Albayalde kay Bishop Bacud na kanilang lulutasin sa lalong madaling panahon ang kaso ni Father Nilo, maging ang kaso ni Father Paez noong December 2017.
Binigyan din ng update ni Albayalde ang obispo kaugnay sa patuloy na imbestigasyon ng PNP.
Siniguro nito na makukulong ang mga indibidwal na nasa likod ng mga kaso ng patayan sa ilang alagad ng simbahan.
Personal namang nagpasalamat si Bishop Bancud kay PNP chief sa overwhelming support nito sa pagresolba sa kaso.