CENTRAL MINDANAO – Tatlong malalakas na uri ng bomba ang narekober ng mga sundalo sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army spokesman Major Arvin Encinas na tumanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng 2nd Mechanized Infantry Battalion mula sa mga sibilyan sa tatlong bomba na iniwan sa isang kubo (nipa hut) sa Sitio Kabanalian, Brgy Ilian, Esperanza, Sultan Kudarat.
Agad na nagresponde ang tropa ng 21st Mechanized Company, 2nd Mechanized Infantry Battalion at nadiskubre nito ang tatlong anti-personnel mines na may bigat na 29 kilos bawat isa.
Dumating naman ang mga tauhan ng Army’s Explosive Ordnance Disposal Team (EODT) at agad na-defuse ang bomba.
Nagpasalamat naman si Lt. Col. Alvin Iyog, commanding officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion sa mga sibilyan na agad nagparating sa kanila ng impormasyon.
“The successful recovery of the Anti-Personnel Mines is attributed to the vigilance of the local residents in the area, who continuously support the unit’s campaign against local terror groups that sow terror in the community,†ani Iyog.
Dagdag pa ni 1st Mechanized Infantry brigade commander Col. Efren P. Baluyot na ito ay desperadong hakbang ng mga terorista kagaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil humihina na ang kanilang pwersa nang makubkob ang kanilang mga kampo, pagawaan ng bomba at pagsuko ng kanilang mga myembro sa militar.
Sinabi naman ni 6th ID chief, Maj. Gen. Cirilito Sobejana na ito ay isang magandang halimbawa sa pagtutulungan ng mga sundalo, pulis at mga sibilyan laban sa banta ng terorismo.
“This success is a classic example of civil-military cooperation against terrorism. The public is enjoined to remain alert, vigilant and supportive to the authorities. I urge the civilian communities to report immediately suspicious individuals in their communities to thwart any form of terrorist initiated violence and prompt reporting to authorities of suspicious items for that matter,†pagtiyak pa ni Sobejana.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central ang pagtugis sa BIFF sa probinsya ng Maguindanao.