BUTUAN CITY – Nagdeklara ng tatlong araw na holiday ang Japanese government kaugnay sa nakatakdang pagbubukas na ng 2020 Tokyo Olympics bukas ng alas-siete ng gabi.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo Samurai international correspondent Reuben Cabaluna Jr. direkta mula sa Tokyo, inihayag nitong nagsimula ang holiday ngayong araw kasama na bukas at sa araw ng pagsara na ng olimpyada.
Nilinaw ni Cabaluna na layunin nito na walang taong pinahihintulutang gagala dahil walang pinayagang audience na manood sa lahat ng mga events kungsaan kahit a ng mga atleta at kanilang coaches ay may eskedyol din sa pagpasok sa mga game venues.
Kahapon, halos siento-porsiento na ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dumating na Japan habang ngayong araw naman ang pagdating ng mga dignitaries upang makadalo sa opening ceremony bukas ng gabi.
Samantala upang matiyak na walang madadapuan ng COVID-19 sa duration ng olimpyada, istriktong ipapatupad ng mga organizers ang health protocols pati na ang pag-require sa mga manlalaro na kailangang magpunta sa venuem anim na oras na mas maaga sa naka-eskedyol nilang event, upang ma-swab test muna.
Ang hindi makakarating sa itinakdang oras ay hindi papayagang maglaro.