-- Advertisements --

Maghahandog ng 3 araw na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) para sa lahat ng empleyado ng gobyerno mula Setyembre 18 hanggang 20.

Ito ay kasabay ng selebrasyon ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ayon kay MRT-3 General Manager Oscar Bongon, layon ng libreng sakay na magbigay ng kasiyahan para sa mga gov’t employees bilang tanda ng kanilang pagsaludo at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo.

Kailangan lamang ng mga sasakay na empleyado na mag-presenta ng kanilang government employment ID sa station personnel.

Ang mga unang biyahe ng tren ng MRT-3 ay aalis ng North Avenue bandang 4:30 am habang ang tren mula sa Taft avenue naman ay babiyahe dakong 5:05am.

Ang huling biyahe naman ng tren mula sa North avenue station ay 9:30 pm habang ang mula sa Taft Avenue station naman ay 10:09pm.