Plano ng gobyerno na magsagawa ng tatlong araw na “national vaccination” drive laban sa COVID-19.
Ito dahil aniya ay hindi na problema ang supply ng bakuna ngayong taon.
Inihalintulad ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang aktibidad sa pagsasagawa ng halalan, at sinabing kasangkot dito ang publiko at pribadong sektor.
Iminungkahi rin ng Philippine Medical Association na gawin na inoculation sites ang mga paaralan.
Sinabi niya na ang pagpupunyagi, na isasagawa sa huling bahagi ng Nobyembre, ay naglalayong sanayin ang mga komunidad na magsagawa ng malawakang aktibidad sa pagbabakuna.
Kabilang sa mga isinali para magsagawa ng inoculations ay ang mga dentista at pediatrician.
Target ng pamahalaan na magbigay ng hindi bababa sa 15 milyong dosis ng mga bakuna laban sa COVID-19 bago matapos ang Nobyembre.
Nilalayon naman nito na mabakunahan ang 70% ng buong populasyon sa pagtatapos ng taon.
Sa ngayon, nasa 27.7 milyong Pilipino lamang o halos 36% ang fully vaccinated.