-- Advertisements --
jeepney

Inaunsiyo ng progresibong grupo na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang 3 araw na tigil pasada isang buwan bago ang deadline para sa PUV consolidation sa Disyembre 31.

Itinakda ng grupo ang transport strike mula November 20 hanggang 23.

Ito ang tugon ng grupo para sa nalalapit na phaseout ng tradisyunal na dyip alinsunod sa inisyatibo ng pamahalaan tungo sa modernong minibuses na itinuturing na environmentally friendly.

Giit ng grupo na sobrnag mahal at posibleng magpabigat sa mga operator ang modernong dyip dahil sa pagkakautang kung saan nagkakahalaga ng hanggang P2.8 million ang bawat unit ng modernong dyip.

Subalit nilinaw ng grupo na hindi sila tutol sa modernisasyon sa halip ay kanilang isinusulong ang transisyon na makatarungan at makatao.