-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto ng mga kapulisan ang tatlong inidibidwal sa isinagawang anti-drug operations sa Barangay Olympia, Makati City.

Nakuha sa mga suspek ang 16 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P5,000.

Kasama sa naaresto ang target ng operasyon na isang 29-anyos na kusinero habang naabutan ang dalawa pa nagsasagawa ng drug session.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarstong suspek.