-- Advertisements --

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong suspeks kabilang ang isang pulisa sa Tarlac dahil sa pagbebenta ng overpriced na gamot laban sa COVID-19.

Nakuha ng mga otoridad ang ilang vials ng gamot na tocilizumab sa mga naarestong suspek sa operasyon ng NBI sa Quezon City.

Nagbebenta ang mga suspek ng nasabing gamot sa halagang P95,000 bawat isa na mas mahal sa normal price na itinakdang P25,000 o hanggang P28,000.

Ayon pa sa NBI na isinumbong ng complainant sa Food and Drugs Administration (FDA) ang ginagawa ng mga suspek kaya ikinasa nila ang operasyon.

Lumabas pa sa pagsisiyasat ng FDA na hindi rehistrado ang brand na gamot na nakuha sa mga suspek.

Nakuhanan din ng baril ang naarestong pulis na nagsilbing guwardiya sa nasabing transaksyon.