Boluntaryong sumuko ang 3 miyembro ng Abu Sayyaff Group sa tropa ng militar sa Ungkaya Pukan, Basilan.
Ayon sa report, sabay na isinuko ng mga ito sa kampo ng 18th Infantry Battalion ang kanilang 5 high powered firearms.
Inamin naman ng pamunuan ng 18IB na malaking tulong ang Community Support Program sa pagsuko ng tatlo.
Sa ngayon ay dadaan umano sa isang psycho-social debriefing ang mga ASG returnees sa tulong na rin ng Balay Mindanaw Foundation Inc. at Nagdilaab Foundation Inc. bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik loob sa gobyerno.
Napag-alaman na magiging benepisyaryo rin ang mga ito sa mga livelihood training at iba pang mga ayuda sa ilalim naman ng Provincial Government ng Basilan.
Samantala, dalawang loose firearms naman ang isinuko ng mga local officials ng Brgy Silangkum at Bohe Piang bilang simbulo ng kanilang pagtalikod sa karahasan.