-- Advertisements --

Patay ang tatlong Sulu based Abu Sayyaf members sa panibagong engkwentro sa probinsiya ng Sulu.

Sa report na ipinadala ni JTF Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana na bandang alas-2:30 ng hapon ng makasagupa ng mga sundalong Marines ang nasa 20 miyembro ng bandidong grupo sa may bahagi ng Sitio Buling-Buling, Barangay Suuh, Panamao, Sulu.

Ayon kay Sobejana umigting ang 10 minutong labanan na ikinasawi ng tatlong bandido na pawang followers ni ASG leader Radullan Sahiron.

Sinabi ng heneral na kanilang ipinasakamay sa local government ang bangkay ng tatlong bandido.

Nakarekober ang militar ng mga war materials sa encounter site kabilang ang isang M16 at cal .45 pistol.

Walang naiulat na casualty sa panig ng militar.

“We attribute the recent success in our campaign against the Abu-Sayaff Kidnap for Ransom Group to the support and cooperation extended to us by the concerned Tausugs who wanted peace to reign in the beautiful province of Sulu,” mensahe ni Sobejana.