-- Advertisements --

Nakapagtala ng 3 beses na pagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagtagal ang ash emissions mula sa bulkan ng 9 hanggang 23 minuto.

Nagbuga din ito ng aabot sa 4,023 tonelada ng asupre sa loob ng isang araw nitong Linggo, Enero 19.

Naobserbahan din ang 150 metrong taas ng plume, mula sa katamtaman, walang patid na pagsingaw at panaka-nakang pag-abo. Napadpad ito sa timog-kanlurang direksiyon.

Maliban dito, nakapagtala din ng 13 volcanic earthquake kabilang ang 2 volcanic tremors na nagtagal ng 9 hanggang 23 minuto.

Nananatili naman ang pamamaga ng bulkan.

Kaugnay nito, patuloy na inaabisuhan ang mga residente na malapit sa bulkan sa Negros Island na manatiling alerto gayundin ipinapayo ang paglikas sa mga nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan at ipinagbabawal ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagsabog ng bulkan, pagbuga ng lava at iba pa.