-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong atleta na nasa loob mismo ng Olympic Village sa Tokyo.

Hindi na inilabas ng mga organizers ang pangalan ng mga nagpositibong atleta at sinabi na lamang sila ay hindi mga Japanese.

Unang sinabi ni Tokyo 2020 President Seiko Hashimoto na ang mga dinapuan ng virus ay hindi mga atleta.

Ilan sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay si Ryu Seung-min na gold medalist ng table tennis noong 2004 mula sa South Korea at ang tatlong manlalaro ng South African soccer team.

Aabot na sa 55 katao ang nagpositibo ilang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics.

Magugunitang nasa state of emergency ang Tokyo hanggang Agosto 22 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.