-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Academy Awards o Oscars Awards ang magiging host ng ceremony na gaganapin sa susunod na buwan.

Kinabibilangan ito ng tatlong komedyante na sina Wanda Sykes, Amy Schumer at Regina Hall.

Ito ang unang beses mula noong 2018 na magkaroon ng host ang Oscars at ang unang beses rin mula noong 1987 na magkaroon ng tatlong host.

Magiging kasaysayan rin ang nasabing ceremony dahil sa unang beses na pawang mga babae ang tatlong host.

Noong 2018 ay napili ang late night comedian na si Jimmy Kimmel na maging host ng nasabing awarding ceremony.

Gaganapin sa Marso 27 ang 94th Academy Awards sa Dolby Theater sa Hollywood.