-- Advertisements --
DOH COVID
DOH

Tatlong panibagong pagkamatay ng mga pasyenteng nadapuan ng coronavirus ang naitala ng Department of Health.

Ito mismo ang kinumpirma ng DOH na ang mga nasawi ay ang mga pasyente na nasa listahan na PH6, PH5 at PH37.

Mag-asawa ang dalawang nasawi na PH5 at PH6.

Isang 62-anyos na lalaki ang PH5 mula sa Cainta, Rizal na laging bumibisita sa prayer hall sa San Juan City.

Ayon sa DOH, ang asawa ng PH5 ay nakaranas ng hirap sa paghinga kaya nilagyan na ito ng tubo para makahinga noong March 11 subalit ito ay pumanaw sa gabing iyon dahil sa acute respiratory distress syndrome mula sa severe pneumonia secondary to COVID-19.

Sa isinagawang chest x-ray kay PH6 na mayroon itong progressive pneumonia at diabetic din.

Sa parehas din na gabi nasawi ang asawa nitong si PH5 dahil sa acute respiratory distress syndrome mula sa severe pneumonia secondary to COVID-19 na may diabetis at hypertensive na lumala sa Acute Kidney Injury.

Habang ang PH37 na nasawi ay isang 88-anyos na Filipina mula sa Pasig City na dinala sa Philippine Heart Center noong March 6.

Nakumpirma lamang ito na COVID-19 noong March 11 at mayroon din itong hypertension na pumanaw na rin nitong hapon ng March 12 adahil sa Acute Respiratory Failure.

Magugunitang mayroon ng 52 na kumpirmadong COVID-19 cases sa Pilipinas kung saan lima na ang namatay at dalawa ang gumaling.