-- Advertisements --

Agad na naapula naman ang naganap na sunog sa Brgy. Olympia sa Lungsod ng Makati kagabi.

Idineklara ng BFP ang 2nd alarm sa sunog na nagsimula pasado 9 kagabi at ito ay nakontrol matapos ang halos dalawang oras.

Bahagyang nahirapan ang mga rumespondeng bumbero dahil sa masikip na daanan sa lugar.

Dahil sa pangyayari ay tatlong bahay ang natupok ng apoy kung saan inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi at halaga ng damyos ng nasabing sunog.