-- Advertisements --

ROXAS CITY – Totally burned ang tatlong bahay na pagmamay-ari ng magkakamag-anak sa Barangay 1, Roxas City.

Pagmamay-ari nina Grace at Analy Hari-on, Reynaldo at Sherlita Hari-on at Teresita de Felipe ang nasunog na mga bahay.

Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay Grace Hari-on, nagpapahinga ito ng makita ang usok na pumasok sa kanilang bahay.

Kasunod nito ang tinig ng kapatid na nag-uutos na lumabas sila dahil may sunog.

Wala silang naisalbang gamit, dahil lumalaki na ang apoy at mas inuna nila ang kanilang mga buhay.

Kaagad naman pumunta sa pinangyarihan ng sunog si Mayor Ronnie Dadivas at nangako na tutulungan ng Roxas City government ang mga biktima ng sunog.

Napag-alaman na gawa sa light at mixed materials ang mga natupok na bahay.

Samantala pansamantalang manunuluyan sa barangay hall ng Barangay 1 ang mga nawalan ng bahay matapos sumiklab ang sunog.