DAVAO CITY – Nananatili sa evacuation center ang labing isang residente ng Barangay Kapatagan, Digos City. Ito’y matapos ang isidente ng landslide na nangyari sa lugar.
Nakaranas ng matinding pag-ulan ang Davao del Sur kagabi na nagresulta ng malawakang pagbaha at landslide sa sitio Marawer, Barangay Kapatagan, Digos City, kung saan tatlong bahay ang nadaganan at natabunan ng lupa.
Swerte namang nakatakbo ang labing isang mga residente kasama na ang isang sanggol pero hindi na naisalba ng mga biktima ang kanilang ari-arian. Kung kaya’t nanawagan ngayon ng tulong ang mga biktima sa lokal na pamahalaan.
Ang nararanasang pag-ulan sa Davao del Sur ay dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), kasama sa mga lugar na apektado ang Digos City, Matanao, Bansalan, at ang Santa Cruz sa probinsya ng Davao del Sur.