-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Aabot ng 30 mga indibidwal ang magpapasko ng walang tirahan dahil sa nangyaring sunog sa Independencia Street, Tacloban City kahapon, Disyembre 12.

Ayon kay FCInsp. Joelito Sabandal, ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tacloban, nagsimula ang sunog banda alas dos ng hapon at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang tatlong bahay.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na napabayaang sinaing ang dahilan ng apoy na tumupok sa higit isang milyong piso ang halaga ng ari-arian.

Dalawang bahay ang naabo samantalang isa naman ang partially damage.

Ayon naman kay Ronnie Cornico, tagapagsalita ng Tacloban City Government, nabigyan na nila ng paunang tulong ang mga biktima katulad nalang ng mga hygiene kit, food packs, at mga utensils.

Makakatanggap din daw ang mga ito ng cash assistance galing ha Tacloban City Government para magamit nila sa muling pagpapatayo ng kanilang tahanan.