-- Advertisements --

Roxas City – Tatlong bangka ang lumubog matapos manalasa ang diumano ipo-ipo sa Barangay Libas, Roxas City.

Sa panayam ng Bombo Rado Roxas kay Rex Amancio inihayag nito na nasa tindahan siya nang manalasa ang ipo-ipo.

Personal nakita ni Amancio ang pagbanggaan ng mga bangka dahil sa malakas na hangin.

Naniniwala ang mangingisda na ipo-ipo ang dahilan ng pagkalubog ng tatlong mga bangka.

Iginiit ni Amancio na ito ang pagkakataon na nakaranas ito ng hagupit ng ipo-ipo sa loob ng 13 taon hanapbuhay bilang mangingisda.