-- Advertisements --
ROXAS CITY – Tatlong bangka ang lumubog matapos manalasa ang umano’y ipo-ipo sa Barangay Libas, Roxas City.
Sa panayam ng Bombo Rado Roxas kay Rex Amancio inihayag nito na nasa tindahan siya nang manalasa ang ipo-ipo.
Personal na nakita ni Amancio ang pagbanggaan ng mga bangka dahil sa malakas na hangin.
Naniniwala ang mangingisda na ipo-ipo ang dahilan ng pagkalubog ng tatlong mga bangka.
Iginiit ni Amancio na ito ang pagkakataon na nakaranas ito ng hagupit ng ipo-ipo sa loob ng 13 taon hanapbuhay bilang mangingisda.