BAGUIO CITY — Nahuli ang tatlong drug High Value Target sa loob ng isang drug den sa Upper San Vicente, Baguio City pagkatapos na nagsilbi ang mga otoridad ng search warrant.
Nakilala ang mga ito na sina Sami Saifeldin Awad Osman, 26, estudyante, Sudanese national; Mohammamed Ali Osman Ali, Sudanese National, 27, estudyane, at Dunhill Calibuso, 29.
Ayon sa blotter ng pulisya, nagsilbi ang Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at Baguio City Police Office ng search warrant na inaprubahan ni Judge Mia Joy Oallares-Cawed.
Sa naisagawang search warrant ay kinapkapan nila ang tatlong suspek kung saan nakuhaan si Calibuso ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at agad itong naaresto.
Nagsagawa din ng search warrant ang PDEA sa bahay na nagsisilbing drug den ng mga foreigners at doon nakuha mula sa kwarto ni Osman ang isang gray sling bag na naglalaman ng maliit na pitaka na may laman na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng pinaghihinalaang shabu na may iba’t ibang bigat.
Nakuha naman kay Ali ang isang plato na may buto at pinatuyong dahon ng marijuana habang nakuha rin sa tirahan ang isang bong, bong, aluminum foil, bundle ng transparent plastic sachet, digital weighing scale at lighters.
Humaharap ang mga suspek ng kaso na paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.