BUTUAN CITY – Nilusob ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang tatlong mga barangay sa bayan ng Sison , Surigao del Norte kahapon ng umaga at nasudan pa sa hapon.
Kasama sa kanilang pinasok ang Brgys. Poblacion, Upper Patag at San Isidro kungsaan sinubukan pa nilang pasukin ang bahay ni Vice Mayor William Avila kungsaan hindi lumabas ang opisyal.
Binantaan din umano ng mga rebelde ang mga residente ng Sison na hindi susuportahan si Mayor Karissa Fetalvero Paronia.
Inamin naman ng mayor na binantaan siya ng mga mga rebeldeng NPA na papatayin, matapos pagbintagan at madamay sa pagpatay sa ama ng pinakamataas na opisyal ng NPA sa Surigao del Norte na si Ka Edroy noong Setyembre 11, 2020.
Dagdag pa ng mayor, swerte na lamang na wala siya sa bayan ng mngyari ang paglusob dahil naka-out of town siya.
Nabatid na nakapagsagawa pa ng check point pagsapit ng hapon ang mga rebeldeng NPA sa Brgy. San Isidro bitbit ang mga high powered fire arms.
Matatandaang noong Enero 28, 2021 unang inatake ng NPA ang police police station ng Sison at kasama sa pipatukan ang pamamahay ni Mayor Paronia.