-- Advertisements --

KORONADAL CITY -Nagpapatuloy sa ngayon ang damage assessment sa naitalang landslide sa mga barangay sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay MDRRMO Mark Kim Tangcala, labis naapektuhan ng pagguho ng lupa ang barangay Lambangan habang minor damage naman ang naitala mga barangay Lambuling , Lacunon at iba pang lugar sa nabangit na bayan.

Maliban dito nasira din ang mga tulay sa nabangit na lugar kung saan pahirapan sa ngayon ang pagbaba ng mga produkto at daanan ng mga residente kaya’t humahanap na ng alternatibong paraan sa kasalukuyan.

Ayon pa sa opisyal, nakapagbigay na ang LGU ng inisyal na tulong tulad ng mga materyales sa pagpatayo ng bahay upang maka pag simula ang mga ito.

Nagpapasalamat naman ito na walang casualties sa sunod-sunod na kalamidad dahil mga kagamitan, at bubong ng bahay lamang ang nasira.

Sa ngayon naghahanap ng Relocation Sites para sa mga residente na delikado at masyadong malapit sa ilog ang kabahayan.