GENERAL SANTOS CITY- Isa na ang patay habang mahigit sa 80 ang sugatan habang tatlong barangay ng Tulunan North Cotabato ang apektado sa 6.6 magnitude na lindol .
Ayon kay Municipal Councilor Jojo Ortiso ng Tulunan na nakatutok ngayon ang relief operation para sa Daeg, Magbok at Paraiso mga malalayong lugar ng Tulunan na nasa boundary ng Davao del Sur.
Sinabi pa nito na nasa 90 percent na sa mga structure sa lugar ang nasira habang nasa pangangalaga ng mga rescue unit mula sa ibat-ibang rescue unit na pinadala ng mga NGO at LGU.
Ayon pa nito na walang klase ngayon at bukas habang balik trabaho na ang mga tanggapan ng gobyerno subalit temporaryo munang sa labas maglagay ng opisina dahil sa malalakas na aftershocks.
Sinabi pa nito na siya man ay hilo na sa mga pag-uga ng lupa subalit pilit nilalabanan para lumakas ang morale ng mga residente.
Problema din ang tubig at makain sa mga residente at lugar na matulugan ngayong gabi.