Inalis na ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang pagsasailalim sa tatlong barangay nila na apektado ng African swine fever (ASF).
Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ASF free na ang mga barangay ng Pasong Tamo, Tandang Sora at Barangay Tatalon.
Sa kabila nito magpapatuloy naman ang pagpatay sa maraming bilang pa ng mga alagang baboy o pagsailalim sa culling sa mga barangay ng Bagong Silangan at Barangay Payatas.
Kasabay nito ikinatuwa rin ng lungsod ang inaprubahan ng Department of Agriculture na dagdag na tulong pinansiyal sa mga hog raisers na mula sa P3,000 kada baboy na apektado ng ASF ay ginawa nang P5,000.
Una nang naiulat na noong nakaraang linggo lamang ay nasa 5,000 baboy na ang pinatay o inilagay sa culling dahil sa ASF outbreak sa siyudad.