-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Iprinisenta sa mga mamamahayag ang mga nasamsam na matatas na kalibre ng baril, mga bala at mga iligal na droga sa tahanan ng isang ahente ng Buy and sell ng sasakyan sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Major Rolando Gatan, hepe Santiago City Police station 1, sinabi niya na,si Joselito David ay kabilang sa maituturing na high valued target ng PNP at PDEA sa Santiago City .

Anya nadakip si David sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Judge Efren Cacatian ng RTC Branch 35 Santiago City.

Una rito ay nadakip sina Joey Baled ,Roderick Baled at Samuel Aquino, matapos na pagbawalan ang mga otoridad na magsagawa ng paghahalughog sa nasabing tahanan.

Matatandaang nakuha mula sa tahanan ni David ang isang M16 riffle, isang Cal. 38 revolver, 17 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 5 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, plastic canister na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang karton ng aluminum foil, dalawang timbangan at isang cash box na naglalaman ng, Granada, drug paraphernalia tulad ng dalawang improvised tooter, 5 bala ng Cal. 38,walong bala ng Cal. 44 at 39 na bala ng M16 armalite rifle.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng Santiago City Crime Laboratory tinatayang aabot ng mahigit P100,000 ang halaga ng mga nasasamsam na shabu at mahigit dalawampong libong piso naman ang kabuouang halaga ng mga nasamsam na high grade Marijuana.