-- Advertisements --

Namataan ang 3 barko ng China Coast Guard malapit sa El Nido, Palawan.

Base sa monitoring ni US maritime security expert Ray Powell, nasa 35 nautical miles o 65 kilometers ang distansiya ng mga barko ng China mula sa El Nido na inilarawan niyang nakakabahala at pagpapakita ng pwersa sa gitna ng patuloy na paggiit ng China sa claims nito sa teritoryo ng PH.

Ayon Kay Powell, nagmula ang mga barko ng China sa Scarborough shoal saka bumaba patungong El Nido umaga nitong Linggo para magsagawa ng “intrusive patrol”.

Ang pinakabagong presensiya na ito ng mga barko ng CCG ay isang linggo lamang matapos namataan ang isa sa pinakamalaking Chinese research vessel na Lan Hai 101 malapit din sa Palawan, bagamat ayon sa Philippine Navy, sumunod sa protocol ang barko dahil kailangan nitong maiwasan ang masamang lagay ng panahon.