-- Advertisements --

Tatlong mga bata ang nasawi sa nangyaring airstrikes sa Tigray region ng Ethiopia.

Ito mismio ang kinumpirma ni Jens Laerke ang tagapagsalita ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA).

Ang pangalawang airstrike sa bayan ng Mekkelle ay ikinasugat din ng siyam na katao at ikinasira ng maraming mga gusali.

Inakusahan naman ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF) si Ethiopian Prime Minister Ably Ahmed na tinarget ang mga sibilyan na nasa palengke.

Isinagawa kasi ng Ethiopian Air Force ang airstrike laban sa TPLF communications network at pasilidad nila sa Mekelle.