BUTUAN CITY – Nakaligtas ng tatlong mga minor-de-edad na biktima ng Socorro Bayanihan Services Incorporated o SBSI sa Sitio Kapihan, Barangay Sering sa bayan ng Socorro, Surigao Del Norte, ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development at sa ngayo’y nasa DSWD -Central Office na.
Ayon kay Mark Davey Reyes, tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development-Caraga, una na nilang nakuha ang mga magulang ng unang anim na mga bata at ngayon ay nagsama-sama na sila sa DSWD-central office.
Umaasa na lamang ang opisyal na mayroon pa silang makukuha galing sa SBSI lalo na ngayong mayroon na silang petition for voluntary commitment at writ of habeas corpus.
Handa rin ang ahensiya pag-accomodate sa mga nais pang lumabas sa SBSI at gustong ibahagi rin ang kanilang kuwento sa loob ng grupo.
Kasama sa kinumpirma ni Reyes na may mga benepisyaryo pa ng Pantawid Pamilya Pilipno Program o 4P’s at social pension ng mga senior citizens ang nandon pa rin sa Sitio Kapihan hanggang sa ngayon.