-- Advertisements --
Kabul afghanistan Canada

Tatlong bata ang napaulat na namatay sa drone strike na inilunsad ng US laban sa suspected ISIS-K suicide bombers.

Una rito, sinabi raw ng US na patuloy nilang inaalam ang posibilidad kung mayroong nasugatang mga sibilyan sa inilunsad na airstrikes.

Una rito, napaulat na ang mga suspected suicide bombers ay lulan umano ng isang sasakyan at may dala ang mga itong pampasabog o bomba na naging dahilan ng secondary explosions matapos ang isinagawang initial strike.

Patay din umano sa US drone strike ang “multiple suicide bombers” mula sa Islamic State affiliate sa naturang bansa bago pa man sila makarating sa Kabul airport kung saan nagkakaroon ng military evacuation.

Sinabi naman ng mga American officials na plano raw ng mga suicide bombers na umatake sa Kabul International Airport kung nasaan ang maraming tao na naghihintay ng masasakyang eroplano habang nalalapit na rin ang deadline ng withdrawal ng US forces sa naturang bansa.

Sa parehong oras ng drone strike sinabi ng Afghan police na mayroong rocket na bumagsak naman sa isang lugar malapit sa airport na ikinamatay ng isang bata.

Isinalarawan ng Taliban ang drone strike at rocket attack bilang hiwalay na insidnte bagamat isang pagsabog lamang daw ang narinig sa Afghan capital.

Tinawag naman ng dalawang American military officials na matagumpay ang airstrike at sinabing lulan daw talaga ng naturang sasakyan ang maraming suicide bombers.