-- Advertisements --
camnorte stabbing

NAGA CITY – Patay ang tatlong katao matapos pagtatagain ng sariling ina sa Basud, Camarines Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpt. Eva Guiruela, hepe ng Basud-PNP, sinabi nitong nakatanggap sila ng impormasyon sa nasabing pamamaslang.

Ayon kay Guiruela, naabutan nila ang mga biktima na isang limang taong gulang, isang taong gulang at apat na buwang sanggol na naliligo na sa sariling dugo.

Aniya may tama ang mga ito sa leeg, tiyan at likod.

Samantala, sugatan din aniya ang ina ng mga bata matapos nitong saksakin ang kanyang sariling tiyan ngunit naagapan ang buhay nito.

Ayon aniya sa asawa ng suspek, wala naman silang problema ng kanyang asawa pero nitong mga nakaraang araw ng makaranas ng binat ang naturang ina.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.