CAUAYAN CITY- Mayroong tatlong municipality at isang Lungsod sa region 2 ang nakapagtala ng COVID 19 local transmission
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 na ang apat na mayroong local transmission ay ang mga bayan ng Gamu, Roxas, Naguillian at lungsod ng Ilagan na pawang mga lugar sa Isabela.
Sinabi ni Dr. Magpantay na maaari anyang maideklarang wala nang local transmission sa mga nabanggit na bayan at lunsod kapag sa loob ng apat na araw ay wala nang maitatalang positibo sa virus.
Nilinaw naman ni Dr. Magpantay na ang pinagmulan ng local transmission sa nabanggit na mga lugar ay mga locally stranded individual.
Inihayag pa ni Dr. Magpantay na para maiwasang makahawa ay hindi dapat pauwiin kaagad sa kanilang tahanan ang mga LSI at Returning Overseas Filipino kahit magnegatibo sa PCR o swab test at kompletuhin ang labing apat na araw na quarantine.
Para mapigilan ang paglaganap ng virus sa rehiyon ay magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan ang mga LGUs.