-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Minungkahi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga LGUs na magkaroon sila ng environmental sanitary landfill.

Sa BARMM ay tatlo lamang angf mayroong environment sanitary landfill ito ay ang mga bayan ng Wao Lanao Del Sur,Upi at Parang Maguindanao Del Norte.

Matatandaan na isang myembro ng Parliament ng BTA-BARMM ang nagsulong na magkaroon ng sanitary landfill sa buong rehiyon.

Sa 12 point agenda ng BARMM ay nakapaloob ang environment compliance na mahalaga sa kalusugan ng mamamayan.

Ang sanitary landfill ay tapunan ng basura ng isang komunidad na dumaan sa maraming proseso para maka-apekto sa kalusugan ng taumbayan.

Sa buong bansa isa sa may pinaka-magandang environmental sanitary landfill ay matatagpuan sa bayan ng Sto Tomas Davao Del Norte na tumanggap na ng maraming parangal.