-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlong mga bayan sa lalawigan ng Cotabato ang nabiyayaan ng alagang kambing sa isinagawang livestock dispersal program na pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet).

Ang mga bayang ito ay kinabibilangan ng Libungan, Banisilan at Carmen, kung saan abot sa 96 na mga miyembro ng Municipal Agri-Fisheries, Rural Improvement Club, 4H Club at piling magsasaka ang nabigyan ng 288 heads o tig-isang module (2 female/1 male) ng kambing.

Ang naturang programa ng OPVet ay bahagi pa rin ng pinaigting na programa para sa agrikultura ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na naglalayong matulungan at madagdagan ang kita ng mga magsasakang Cotabateño.