-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patuloy pa ang clearing operations ng militar sa mga barangay na itinuturing na New People’s Army (NPA) infested area sa Negros Occcidental habang nalalapit ang 2019 midterm elections.

Ayon kay 303rd Infantry Brigade commander Col. Benedict Arevalo, unti-unti nang nauubos ang presensya ng mga rebelde sa northern Negros kagaya ng Escalante City at bayan ng Calatrava.

Samantala, kinumpirma naman ni Police BGen. John Bulalacao, director ng Police Regional Office (PRO) 6, na may tatlong bayan sa Negros Occidental na posibleng ituturing na election hot spot areas.

Ngunit hindi pa ibinunyag ni Bulalacao ang mga LGUs dahil patuloy pa ang kanilang validation.

Kabilang aniya sa mga basehan ng validation ay ang presensya ng New People’s Army (NPA) sa lugar, lumang rekord ng election violence, at ang karakter at ugali ng mga kandidato.