-- Advertisements --

NAGA CITY- Bubuksan na muli ang tatlo sa mga nag gagandahang beach resort sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur para sa mga touristang gusto pang humabol sa summer season.

Ang nasabing mga beach resort ay ang Villa Marua Beach Resort, Surfers Paradise Beach Resort at Titis Beach Resort.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pasacao Mayor Niño Tayco, sinabi nitong qualified nang magbukas muli ang mga ito dahil nabigyan na ito ng clearance, permit at accredited mula sa Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Tayco, una na itong isinailalim sa inspection ng DOT noong nakaraang araw lamang.

Maliban dito, madami rin naman umanong ibang mga resort ang nag hihintay na rin lamang ng approve mula sa DOT para sa kanilang muling pagbubukas.

Samantala, dahil sa pagsunod sa new normal situation dahil sa Coronavirus disease, nasa 50% lamang umano ang dapat na capacity ng bawat resort sa nasabing lugar.