Umaabot sa tatlong ospital ang nadamay din sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Iniulat ni Dr Mirna Doumit, presidente ng Order of Nurses in Beirut, nawasak ang kanilang tatlong mga ospital na nasa siyudad.
Liban nito, dalawa pang mga ospital ang partially destroyed.
Dahil dito, kinailangan umanong magsagawa sila ng evacuation sa mga pasyente para ilipat sa ibang mga ospital.
Tinawag pa ni Doumit ang nangyayari na mistulang nasa”horror film” at “delubyo” lalo na at nangyari ito sa panahon na hirap din sila dahil sa COVID crisis.
Lalo pa itong nalugmok sa kalungkutan dahil tatlong mga nurses nila na nagtatrabho sa mga nabanggit na ospital ang nasawi rin.
Una nang nagkwento sa Bombo Radyo ang ilang OFW na sugatan din sa pagsabog ang hindi tumuloy sa pagpapagamot sa mga ospital dahil sa punuan din ng mga pasyente at nagkasira sira pa ang mga gusali.