-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlo ang nasawi habang isa ang sugatan mula sa mga myembro ng BIFF-Karialan Faction sa operasyong ginawa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa Barangay Liab, Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayun kay 33IB Commander, Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., isang fire mission ang inilunsad ng kanilang pwersa laban sa position ng grupo ni alyas Boy Jacket ng BIFF.

Dagdag pa ni Lt. Col. Cadiente ang mga nasawing kasamahan ni Boy Jacket ay sina alyas Suharto na taga Brgy. Dapyawan, Datu Saudi Ampatuan at dalawang iba pa na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

“We received information from residents regarding the presence of Boy Jacket’s group. The residents also do not want the BIFF to stay in their area so they forwarded the information to us”, pahayag ni Lt. Col. Cadiente.

Narekober din ng 33IB ang isang (1) 5.56mm M16A1 Rifle, dalawang (2) Homemade Revolvers ng Cal. 38mm at Cal. 5.56mm, isang (1) Cal.45 Pistol, isang (1) cartridge ng 81mm HE, dalawang (2) 40mm grenade launcher ammunition, apat (4) Cartridge ng 40mm at tatlong (3) Improvised explosive devices.

Ayun kay 601st Infantry Brigade Commander, Brig. Gen. Oriel Pangcog, patuloy na magbabantay ang 33IB sa lugar para sa kaligtasan ng mga residenteng naninirahan.

“We will not hesitate to crush and completely pulverize the terrorist group that is a security threat in our area of operation”, giit ni Brig. Gen. Pangcog.

Sinabi naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Alex Rillera na umaalok ng kapayapaan ang 6ID at JTFC sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ng mga BIFF sa gobyerno.

“6ID and JTFC are offering peace to BIFF members so they can return to the mainstream society and live happy and peaceful life with their loved ones. The government is ready to give you a bright future, but if you continue to sow violence, strike against our troops, you can expect our intense pursuit until we get you,” ang matapang na pahayag ni 6ID Commander, Maj. Gen. Rillera.

Ngayong taon, sampung (10) BIFF na ang nagbalik-loob sa pamahalaan habang tatlo (3) ang nasawi sa operasyon. Habang apat (4) na armas ang isinuko kamakailan ng BIFF at may apat (4) na mga baril at isang (1) pampasabog ang nabawi mula sa operasyon.