CENTRAL MINDANAO- Tatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.
Sa tulong ni Pikit Cotabato Mayor Sumulong Sultan at mga opisyal ng Barangay ay nagbalik-loob sa gobyerno ang tatlong BIFF.
Ang mga rebelde ay kumikilos sa ilalim ng grupo ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF-ISIS Inspired Group.
Pormal namang tinanggap ni 7th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Valencia ang sumukong mga rebelde.
Dala ng mga terorista sa kanilang pagsuko ang isang homemade caliber .50 sniper rifle, isang Rocket Propelled Grenade, isang M79 Grenade launcher at mga bala.
Gusto na umanong mamuhay ng mapayapa ng tatlong BIFF kasama ang kanilang mahal na pamilya kaya silay sumuko.
Binigyan naman ng inisyal na tulong ni Mayor Sultan ang tatlong BIFF at karagdagang ayuda mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Nanawagan ngayon si 602nd Brigade Chief Bregadier General Roberto Capulong sa mga NPA,BIFF at mga lawless group na sumuko na at tutulungan sila ng pamahalaan para magbagong buhay.