CENTRAL MINDANAO – Tatlong mga terorista ang sumuko sa mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga rebelde na sina alyas Nor, Pikot at Giyad na mga tauhan ni Ustadz Karialan ng Karialan Faction ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Dala ng tatlong BIFF sa kanilang pagsuko ang tatlong rocket propelled grenade (RPG) at tatlong bala.
Agad namang iprinisinta kay PRO-BAR regional director B/Gen. Samuel Rodriguez ang tatlong miyembro ng BIFF.
Kumikilos daw ang mga rebelde sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, General Salipada K. Pindatun, Maguindanao at Tulunan, North Cotabato.
Kahirapan umano ang dahilan nang pagsuko ng tatlong BIFF at gusto na rin nilang mamuhay ng mapayapa.
Mismong si Gen. Rodriguez ang nag-abot ng tulong pinansyal sa mga sumukong BIFF at karagdagang livelihood assistance.
Hinikayat din ni B/Gen Rodriguez ang ibang BIFF at mga armed lawless groups na sumuko na at magbagong buhay.