-- Advertisements --
Sinimulan na ng Hamas ang pagpapakawala ng kanilang mga bihag matapos na naging epektibo na ang ceasefire sa pagitan nila ng Israel.
Ang mga tatlong Israeli hostages na unang parte sa 33 sa loob ng anim na linggo ay kinilalang sina Romi Gonen, Doron Steinbrecher at Emily Damari.
Ipinasakamay ng mga Hamas ang mga bihag sa mga tauhan ng Red Cross at ito ay dinala na sa Israeli military sa Gaza.
Inaasahan din sa mga susunod na oras ay papakawalan ng Israel ang mga bihag nilang Palestine.
Ayon sa Red Cross na masigla at malusog ang mga bihag.
Nagdiwang naman maraming Israelis sa Tel Aviv matapos ang pagpapakawala ng unang batch na bihag ng mga Hamas.