-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlong binata ang nasawi nang manlaban sa mga pulis sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Lambayong Chief of Police Major Jehnameel Toñacao, humarurot umano ang tatlong kalalakihan na sakay ng isang Suzuki Raider na motorsiklo at umiwas sa PNP Checkpoint sa Purok 4 Barangay Didtaras Lambayong Sultan Kudarat

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek at naabutan sa Purok Masagana sa national highway sa bayan ng Lambayong nang matumba ang kanilang sinakyang motorsiklo.

Imbes na sumuko ay pinaputukan ng mga binatilyo ang mga pulis kaya gumanti ang mga otoridad kung saan tinamaan ang mga suspek.

Naisugod pa ang mga sugatan sa Evangelista Medical Clinic and Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Narekober sa crime scene ang tatlong kalibre 45 na pistola, mga magazine,mga bala granada,motorsiklo na ginamit ng mga mga suspek at isang pakete ng shabu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa naturang pangyayari.