-- Advertisements --
May tatlong boksingero na ang pinagpipilian para iharap sa beteranong boksingerong si Mike Tyson para sa kaniyang exhibition charity event.
Sinabi ni Melbourne boxing promoter Brian Amatruda, inaayos niya ng laban sa 53-anyos na si Tyson kina Barry Hall, Paul Gallen at Sonny Bill Williams.
Naniniwala ito na mabilis na mapuno ang pinakamaling boxing arena sa Australia kapag si Tyson ang lalaban.
Agad aniya nilang aalukin ang beteranong boxer ng $1-milyon para ituloy ang nasabing laban.
Hinihintay lamang nila ang magiging tugon dito ng veteran boxer.
Nauna rito ipinakita ni Tyson ang ginagawa nitong ensayo kung saan plano nitong magsagawa ng exhibiton charity boxing event para makatulong sa naapektuhan ng coronavirus pandemic.